"Ang Sinigang ni Mama kanina"
Kaninang tanghali nagluto si mama nang sinigang na baboy para sa ulam namin.
Ano ba ang Sinigang?
Ang sinigang ay isang lutuin at pagkaing Pilipino na may karne, isda o iba pang laman-dagat. Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kaniyang naparami at may kaasiman na sabaw. Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas, katulad ng sampalok, kamyas, o bayabas.
Mga Sangkap sa pagluto ng sinigang:
1/4 kilo Gabing pang sigang1 tali kangkong6 pcs. okra4 pcs. siling pang sigang1 buo na sibuyas hihiwain2 buo na kamatis hihiwain1 sachet Knorr Sinigang Mix na may gabiAsin o patis
Paano niluto ni mama ang sinigang?
- 1. Pakuluan ang baboy, ihalo ang kamatis, sibuyas at asin.
- 2. Kung malambot na ang baboy, ilagay ang sampalok, pakuluan uli.
- 3. Ilagay ang gabi, kung luto na ito, idagdag ang kangkong, sitaw at bataw.
- 4. Timplahan ng patis.
Ang sarap ng tanghalian namin kanina at masayang nagsalo salo....
No comments:
Post a Comment